02 03 Travel, Photographs and Lifestyle: Sawikain o Idyoma 04 05 15 16 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 31 32 33

Sawikain o Idyoma

34
Sawikain o Idyoma
Ano ang Sawikain?

Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga na nagbibigay ng di tuwirang kahulugan. 


Marami sa mga Pilipino ay gumagamit ng Idyoma sa pag sasalarawan ng tao man, lugar, damdamin o pangyayari. Katulad na lamang ng mga sumusunod na halimbawa:

Alilang-kanin - utusang walang sweldo, pagkain lang.

Halimbawa: Sa obserbasyon ng aking tiya ang mga bloggers ay mai-kla-klasipika na mga alilang-kanin. ( Ito ay isang biro lamang pero masasabing may katotohanan kasi hindi naman po sinuswelduhan o binabayaran ang karamihan sa mga bloggers.)

Ahas - taksil; traydor

Halimbawa: Sa kabila ng mga ginawang kabutihan ni Berto sa nanghingi ng tulong sa kanya ay inahas pa rin siya nito.

Anak-dalita - mahirap 

Halimbawa:  Nagsisikap sa buhay si Pedro kahit siya ay isang anak-dalita.


Balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.

Halimbawa: 
Huwag kayong magalala, hindi basta basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

Balik-harap: mabuti sa harapan, taksil sa likuran 

Halimbawa: Ang ugali ni Melissa ay balik-harap.

Bahag ang buntot - duwag 

Halimbawa: Yung inaakala mo na magtatanggol sayo ay bahag pala ang buntot.


Basa ang papel - bistado na

Halimbawa: 
Huwag ka ng magsinungaling pa, Melissa. Basa na ang papel mo sa amin.

Bukal sa loob: tapat 

Halimbawa: Bukas sa loob niya ang pagtulong sa kapwa.

Butas ang bulsa - walang pera 

Halimbawa: Karamihan sa mga manggagawang pinoy ay butas ang bulsa.

Bukas ang palad - matulungin 

Halimbawa: Si Ver ay bukas ang palad sa mga kapus-palad.

Buwayang lubog - taksil sa kapwa 

Daga sa dibdib: takot 

Halimbawa: Dahil sa nangyari ay may daga sa dibdib siya na magtiwala muli.

Di makabasag pinggan - mahinhin 

Halimbawa: Akala mo ay di makabasag pinggan pero na loob pala ang kulo.

Ibaon sa hukay - kalimutan 

Halimbawa:Maari mo ng ibaon sa hukay ang inaasahan mong mga pagbabago sa sistema.

Ikrus sa noo - tandaan 

Halimbawa: Ikrus sa noo ang mga pangaral ng iyong magulang.

kidlat sa bilis - napakabilis 

Halimbawa: Ang mga pangyayari ay kidlat sa bilis.

Lawit ang pusod - balasubas 

Halimbawa: Nancy mag-ingat ka sa mga taong lawit ang pusod.

Mahapdi ang bituka - nagugutom 

Halimbawa: Mahapdi ang bituka ng mga dumalo sa event na yaon.

Makapal ang mukha - di marunong mahiya 

Halimbawa: Pinagmukha nila akong makapal ang mukha sa mga pinalalabas nilang kwento.

May ipot sa ulo - taong pinagtaksilan ng asawa 

Halimbawa:  Hindi matanggap ni Randy na may ipot na siya sa ulo dahil sa natuklasan.

Putok sa buho - anak sa labas 

Halimbawa: Si Melissa ay putok sa buho kaya ganyan siya magsalita.

Sampay-bakod - taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi 

Halimbawa:Dapat mag-ingat sa mga sampay-bakod ang bawat isa sa inyo.

Taingang kawali - nagbibingi-bingihan 

Halimbawa: Nang ipinahayag ni Cris ang kanyang panig ay nagtaingang kawali lamang sila Iris.


Tawang-aso - tawang nakatutuya 

Halimbawa: Tawang- aso si Annie ng kanyang makita si Bessie.


Tulak ng bibig -- salita lamang, di tunay sa loob 

Halimbawa: Marami sa mga tao ngayon ay puro tulak ng bibig lamang ang sinasabi.

35 36 37 38